Kakulangan ng condom sa Kenya, inalmahan ng mga aktibista

Kakulangan ng condom sa Kenya, inalmahan ng mga aktibista

November 29, 2022 @ 5:50 PM 2 months ago


KENYA- Nagrereklamo ang civil society groups sa Kenya hinggil sa chronic shortage ng libreng condom sa bansa.

Karaniwan itong ini-import at ipinamamahagi nang libre subalit dahil sa mataas na buwis, hindi na namamahagi ang suppliers ng libreng condom sa Kenya.

Nais ng mga aktibista na kalusin ng pamahalaan ang buwis sa produkto dahil makatutulogn ito upang mapigilan ang HIV infections.

Nangangailangan ang Kenya ng halos 455 milyong condom kada taon, subalit 150 milyon lamang ang nabili ng pamahalaan.

Mahalaga ang condoms sa kampanya sa pagpigil sa HIV at iba pang sexually transmitted diseases gaya ng gonorrhoea at chlamydia.

Subalit, sa nakalipas na dalawang taon, ang partikular na brand na libreng ipinamamahagi sa Kensya ay limitado na lamang sa public hospitals sa Kenya.

Sinisi ng civil society groups ang mataas na import taxes ng pamahalaan.

Ang pakete na naglalaman ng tatlong condom ay nagkakahalaga ng halos $1 – na masyadong mahal para sa karamihan.

Nakakapagtala sa Kenya ng halos 34,000 bagong HIV infections kada taon. Subalit, mula 2020, lalong dumarami ang kaso nito sa sex workers. RNT/SA