Kakulangan ng suplay ng AstraZeneca naging hadlang sa pagbili ng bakuna ng SC – spox

Kakulangan ng suplay ng AstraZeneca naging hadlang sa pagbili ng bakuna ng SC – spox

March 3, 2021 @ 6:42 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Isyu sa suplay ng AstraZenaca ang nagdulot na hindi makakuha ang Supreme Court (SC) ng COVID-19 vaccine, batay sa tagapagsalita nitong si Brian Keith Hosaka.

Ito aniya ang sinabi ng opisina ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Korte Suprema.

“The initial request for the judiciary was for the AstraZeneca brand, but upon advice of its unavailability by the office of Secretary Galvez, the judiciary will have to consider other options,” saad ni Hosaka.

Sinabing epektibo ito ng 63% laban sa COVID at maaaring ilagay sa normal fridge temperatures.

 “Hopefully, the judiciary will be able to procure vaccines at the soonest possible time considering the crucial role which the courts play in times of crisis. Our judges and court personnel have direct contact with the public on a daily basis and Chief Justice [Diosdado] Peralta would want them fully protected from [COVID-19],” pahayag ni Hosaka.

Sa ulat, inilaan ng SC ang P19 milyon para sa pagbili ng bakuna sa kanilang nasasakupan na binubuo ng 30,000 justices, judges, officials, at employees. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •