Kakulangan sa ‘beep cards’ nagbabadya – DOTr

Kakulangan sa ‘beep cards’ nagbabadya – DOTr

August 19, 2022 @ 4:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binalaan ng Department of Transportation  ang publiko tungkol sa napipintong kakulangan ng stored-value passenger train card o “beep card”, bago ang muling pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22.

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng DOTr na tinutugunan na nito ang “looming ‘Beep’ card shortage due to global chip supply chain problems by finding alternative ways to solve the expected demand of beep cards when the rail transit system becomes fully normalized.”

Ayon sa ahensya, sinabi ni Rails Usec Cesar Chavez  na ang “Beep” card provider na AF Payments Inc  (AFPI) “cannot fulfill the delivery of 75,000 SVCs vis-a-vis the card forecast demand of Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) for the month of July 2022 despite it’s repeated and diligent coordination with card suppliers abroad.”

Kaya naman inabisuhan ng DOTr ang Public Transport Operators (PTOs)  ng rail lines na asahan na ang kakulangan ng available beep cards sa gitna ng kakulangan ng produksyon ng chips sa buong mundo na nakaapekto sa  produksyon, distribusyon at pagbebenta ng cards sa rail line communters.

Inatasan na rin ng ahensya ang lahat ng PTOs na gumawa ng kinakailangang adjustments sa pagkontrol  sa pagbebenta ng SVCs upang maiwasan  ang “untoward incidents” at upang pawiin ang pangamba sa mga sumasakay ng tren maging ang pagsasagawa nng kanilang pinakamahusay na pagsisikap sa pakikipag-usap sa kanilang mga pasahero ng tren.

Ang SVCs o beep cards na binili sa LRT2  ay maaring gamitin para sa iba pang linya ng tren gaya ng MRT-3 at LRT-1. Jocelyn Tabangcura-Domenden