Kakulangan sa healthcare workers hamon sa private hospitals – PHAPI

Kakulangan sa healthcare workers hamon sa private hospitals – PHAPI

October 1, 2022 @ 2:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Labis na apektado ang mga pribadong ospital sa kakulangan ng healthcare workers sa gitna ng pagbangon ng bansa sa COVID-19 pandemic, ayon sa healthcare industry leader nitong Sabado.

Sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene de Grano na bagama’t handa ang private hospitals na tumanggap ng COVID-19 patients, ang problema nila ay kakulangan sa healthcare workers.

“Maraming healthcare worker na umaalis sa pribadong ospital, either lumilipat sila sa public hospital o nangingibang bansa,” sabi ni de Grano.

“Nararamdaman ng private hospitals yung kakulangan ng healthcare workers,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ng Department of Health (DOH) na nangangailangan sa bansa ng 106,000 nurse sa public at private facilities at hospitals.

Bukod sa kakulangan sa mga nurse, sinabi ng DOH na kulang din sa bansa ng 67,000 physicians; 6,000 pharmacists; 5,500 radiologic technologists; 4,400 medical technologists; 1,600 nutritionists; 700 midwives; 223 physical therapists; at 87 dentists.

Umapela rin ang health workers sa mas mataas na sahod upang matulungan sila na makasabay sa mas mataas na cost of living. RNT/SA