Kalabaw sa Isabela itinakas; 1 timbog, 3 nakatakas

Kalabaw sa Isabela itinakas; 1 timbog, 3 nakatakas

July 9, 2021 @ 7:18 AM 1 year ago


Isabela – Naaresto ang isa sa apat na nagnakaw umano ng kalabaw habang nakatakas ang iba bandang alas-4:00 ng madaling araw sa Barangay Cumu, Angadanan.

Agad umaksyon ang awtoridad sa sumbong ng isang nasasakupan.

Nang beberipikahin ng mga otoridad ang mga suspek ay dali-daling sumakay sa dalawang single motorcycle ang mga ito na mabilis na tumakas subalit nahulog ang isa sa angkas ng isang motosiklo dahilan upang maaresto ang isa na nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon pa sa awtoridad, patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente habang tikom naman ang bibig ng isang naaresto. JUN C. FUENTES