Kalagayan ng Pinas sa Hunyo, gaganda na sa pagdating ng mas maraming bakuna – gov’t adviser



Kalagayan ng Pinas sa Hunyo, gaganda na sa pagdating ng mas maraming bakuna – gov’t adviser

April 27, 2021 @ 10:30 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sa ikalawang bahagi pa ng taon mararanasan ng Pilipinas ang kaginhawaan dahil sa pagdating ng mas maraming COVID-19 vaccines sa bansa sa Hunyo.

Sinabi ni Presidential adviser on entrepreneurship Joey Concepcion na kinumpirma na ng AstraZeneca ang pagdating ng 1.5 million doses na bakuna sa unang linggong ng Hunyo.

Sinabi niya rin na darating din sa bansa ang 17 milyong AstraZeneca vaccines bago matapos ang 2021 hanggang sa Pebrero 2022.

Ang Novavax vaccines naman ay darating sa August-September, ayon pa kay Cocepcion.

“Ang maganda dito – by June, things will be better because we will start vaccinating a lot of people,” ani Concepcion sa TeleRadyo.

Siniguro rin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ipaprayoridad na ang pribadong sektor sa susunod na AstraZeneca vaccinations.

Sa 17 milyong darating na bakuna, 11 milyon dito ang mapupunta sa lokal na gobyerno, tatlong milyon sa national government, at ang natitirang tatlong milyong bakuna ay ilalaan na sa pribadong sektor.

“So about 1.5 million employees will be able to get the AstraZeneca vaccines,” ani Concepcion kung saan siniguro niya ang 100 porsyentong kagustuhan ng mga empleyado na magpabakuna. RNT


  •  
  •  
  •