Kalagayan ng West PH Sea situation stable na – Lorenzana

Kalagayan ng West PH Sea situation stable na – Lorenzana

July 8, 2021 @ 1:39 PM 1 year ago


Manila, Philipines – Bumubuti na ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS), batay sa ulat.

Sa virtual pre-State of the Nation Address (SONA) media launch, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang mga barko mula sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay palaging nagpapatrolya sa WPS.

“So peaceful diyan, stable sa West Philippine Sea ngayon ,” lahad ni Lorenzana.

Itong ginagawa naman natin dito sa West Philippine Sea ay mina-manage natin iyong sitwasyon, dahil China naman ay nag-i-insist na sila ay may claim, may claim din tayo. Sa katunayan, hindi lang China at saka Pilipinas ang may claim diyan, kung hindi kasama na rin ang Vietnam, Taiwan at saka Malaysia. So maraming ‘claimants’ diyan.

Siguro hindi naman natin mapupuwersa itong ayusin kaagad, dahil matatagalan siguro bago magkaroon ng kaayusan itong sigalot na ito sa West Philippine Sea,” dagdag pa nito. RNT/FGDC