Kalahati ng BJMP facilities drug-free na!

Kalahati ng BJMP facilities drug-free na!

August 12, 2022 @ 7:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 262 o kalahati ng kabuuang 477 jail facility na pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang “drug-free” na.

“Ito po ‘yung gusto naming itaas pa hanggang sa lahat ng mga pasilidad na mai-certify natin na drug-free and drug-cleared. Iyong intelligence-gathering natin gusto noon kaya lahat po kami ay nagtutulungan at ito ho ‘yung tinutukan natin sa mga kulungan facilities natin,” ani Jail Supt. Xavier Solda, ang tagapagsalita ng BJMP sa Laging Handa briefing.

Samantala, ang mga drug-cleared jails ay ang mga dating na-classified bilang drug-affected ngunit nagpakita ng improvement matapos ang pagsasagawa ng drug-clearing operations.

“Tututukan nating mabuti iyong disiplina ng ating mga kasamahan. And should there be, kahit isa lang ‘no na personnel ‘no na magkaroon talaga ng — or magpositibo ‘no sa iligal na droga, hindi namin ‘yan patatawarin. They don’t deserve to be in the service, kung kulang sila sa disiplina, more so if they are into illegal drugs,” ani Solda.

Sinabi rin ni Solda na masusing sinusuri ang mga mahahalagang bagay na ipinapadala sa mga taong deprived of liberty (PDLs) upang masugpo ang pagpasok ng ilegal na droga.

“Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang mga mahahalagang bagay na dinadala sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan (PDLs) dahil pansamantalang sinuspinde ang pagbisita. Marami kaming karanasan na pinaghahalo ng mga bisita ang ilegal na droga sa mga pagkain na ibinibigay sa mga PDL, inilalagay pa nga sa loob ng tetra packs, akala nila hindi ganoon kahigpit ang pag-inspeksyon natin sa mga bagay na pumapasok sa ating mga pasilidad,” aniya pa.

Nagpahayag din ng pag-asa si Solda na maglalaan ang gobyerno ng pondo para sa pagkuha ng BJMP ng mga signal jammers upang maputol ang komunikasyon sa pagitan ng mga nakakulong na drug lords at kanilang mga kasabwat. RNT