Kalahati ng glaciers sa mundo, nagbabadyang matunaw sa 2100- pag-aaral

Kalahati ng glaciers sa mundo, nagbabadyang matunaw sa 2100- pag-aaral

January 14, 2023 @ 3:34 PM 2 weeks ago


ISTANBUL – Sa pagtatapos ng siglo, kalahati ng glacier sa mundo ang nakatakdang matunaw,  na magreresulta hindi lamang sa pagkawala ng natural nitong ganda, kundi ng kakulangan sa tubig at panganib ng mga sakuna.

Batay sa pinakabagong scientific report, Global glacier change in the 21st century: Kada taas ng temperatura, nakaaapekto ito sa mundo sa 2100 na kahit ang best-case scenario ay magreresulta sa malaking pagkalusaw ng glacier.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi nina David Rounce at Matthias Huss, co-authors ng report,  ang resulta ng pag-aaral, kung saan sinuri nila ang halos 200,000 glaciers sa mundo sa ilalim ng iba’t ibang temperature scenarios, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbawas ng carbon dioxide emissions upang maisalba ang glaciers.

Sinabi ni Rounce, assistant professor ng civil and environmental engineering sa Carnegie Mellon University sa US, na kapos pa rin ang best-case scenario sa pag-abot sa target ng Paris climate deal na hindi hihigit sa 1.5C na pagtaas.

Para sa global best-case scenario, sinabi  ng eksperto na lahat ng glaciers, maliban sa ice sheets, “are losing about 26% of their mass, contributing about 90 millimeters (3.54 inches) to sea level rise from just the glaciers, and losing about 50% of the glaciers by number.”

Nang tanungin ukol sa posibilidad na mabaligtad ang sitwasyon, sinabi ni Rounce na marami nang epekto ng climate change ang nagdudulot ng pagkalusaw ng glaciers.

Pahayag niya: “Taking action will certainly help preserve some of the ice in the region but because those glaciers are responding at least some of that loss is inevitable.”

Hinikayat naman ni Huss, isang glaciologist na namumuno sa Glacier Monitoring (GLAMOS) sa Switzerland, ang pangangailangan ng “strong climate change mitigation efforts to save about three-quarters, 75%, of all glaciers.”

“This is mainly because the big glaciers are in the polar regions, they can still be saved. Whereas the smaller glaciers like the ones that are in the Alps but also the ones in Türkiye, for those it is already too late,” sabi ni Huss.

“It’s not too late to take action but the situation is not reversible, at least in the short- or mid-term,” dagdag niya, at sinabing ang mundo ay nasa kasagsagan ng “a quite important rise” sa global temperatures at “a loss in glaciers.”

Subalit, importante pa rin na kumilos na ngayon dahil ayon sa eksperto, mapipigilan pa ang “the most adverse consequences, the most adverse impacts of global sea level change and climate change globally.”

Samantala, binanggit ni Rounce ang kontribusyon ng glaciers sa pagtaas ng sea level, dahil magdudulot ang pagkalusaw ng glaciers sa pagtaas ng global mean sea level, ang baseline, na maaaring maging sanhi ng mas malalang kaganapan.

“It’s the nuisance flooding that happens on the coasts, the extreme storm systems that come through and cause this devastation and this massive flooding. When we increase the sea level rise by for example, 100 millimeters (3.9 inches), that’s going to increase that baseline meaning (so) that those extreme events are going to become even worse if large scale-adaptation strategies aren’t taken,” paliwanag niya.

Sa pagtaas ng sea level, nagbabala si Huss na maaari pang tumaas ang lebel ng tubig sa karagatan, na aabot ng tatlong metro (9.8 feet) sa 2300, na magiging malaking problema para sa maraming coastal cities.

“Summer drought is strongly mitigated as long as glaciers are present. If glaciers have disappeared in the future, we will be having a lack of water in hot and dry summers,” paliwanag niya. “And this might be a problem for the stability of stream flow for irrigation, but also for hydropower production.”

Binanggit din ni Huss ang posibleng epekto sa glacier tourism sa Alps, na dinarayo dahil sa magandang glaciers, maging para sa skiing.

Iginiit ni Rounce ang kahalagahan ng pag-aksyon ng mga bansa upang matupad ang commitment na magbawas ng carbon emissions sa ilalim ng Paris Agreement upang subukang mapigilan ang mga epekto ng nito at makailag sa mga pinsala na darating.

“And it’s important because it’s very easy to get caught up in the fact that a lot of the glacier mass loss is inevitable and a lot of the glaciers being lost … but we really do have the ability to preserve a lot of ice,” aniya.

“The most important is really that we do it as a global community and not at (just) a national level,” ayon naman kay Huss. RNT/SA