Kalahating milyong guro sa bansa, baon sa utang – GSIS

Kalahating milyong guro sa bansa, baon sa utang – GSIS

July 4, 2018 @ 2:45 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Karamihan ngayon sa mga guro sa bansa ay baon na sa utang.

Ito ay ayon kay GSIS President and GM Atty. Jesus Clint Aranas.

Sinabi ni Aranas sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay na dapat tutukan ang problema ng mga guro dahil karamihan sa mga teacher ay baon na  sa kani-kanilang mga utang.

Aniya, na layon ng GSIS na maging malusog ang kanilang mga miyembro na umaabot sa mahigit dalawang milyon sa buong bansa kung saan mahigit 500 libong mga guro ang kasapi ng GSIS na nais nilang matulungan.

Nagtataka rin ang abogado kung bakit ang mga guro ay hirap pa rin sa kabila nang malaki na ang kanilang mga sahod kung saan nais nilang maging financially healthy ang mga guro.

Sinabi pa nito na ang Collection efficiency, problema sa mga guro dahil sa baon na sila sa utang kayat hindi tuloy nababayaran ang kanilang mga utang sa GSIS.

Giit ni Atty. Aranas, kailangan nilang alagaan ang pondo ng GSIS dahil posibleng babagsak ito kung hindi nila hihigpitan ang mga polisiya sa pagpapautang sa mga miyembro. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)