Kalakalan, soberanya kabilang sa paksa ng PH-China bilateral talks

Kalakalan, soberanya kabilang sa paksa ng PH-China bilateral talks

November 18, 2022 @ 8:05 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Mga usapin na may kinalaman sa kalakalan, pamumuhunan at soberanya ang mga paksa na tinalakay sa bilateral meeting sa pagitan ng mga lider ng Pilipinas at China.

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na kasama niyang dumalo sa talakayan sina Pangulong Ferdinand  Marcos Jr., dating Pangulong  Gloria Macapagal-Arroyo, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, at Trade Secretary Alfredo Pascual.

“I’m sure that we’ll talk about many issues, of course, this being the APEC, the economic issues will be of course foremost in the minds,” ayon kay Romualdez sa mga mamamahayag sa isang panayam sa sidelines ng  APEC Summit.

Nitong Huwebes, Nobyembre 17 ay nakipagpulong si Pangulong Marcos sa kanyang counterpart na si Chinese President Xi Jinping ayon sa pahayag ng Office of the Press Secretary (OPS).

“We spoke a little bit about regional issues, but mostly about the plans that I have for the state visit that I will be undertaking to China in the first week of January,” anang Pangulo.

“So whatever details that need to be taken up between the Philippines and China will be taken up then,” dagdag pa niya.

Kabilang rin umano sa nabanggit ay ang isyu ng soberanya matapos na sabihin ng Pangulo noong nakaraang linggo na umaasa siya na mapag-uusapan ang West Philippine Sea sa kanyang Chinese counterpart.

“The two leaders discussed strengthening and expanding the Philippines-China relationship particularly in the areas of agriculture, energy, infrastructure, and people-to-people connections,” pahayag naman ng OPS.

Nang hingan naman ng komento sa kung ano ang papel ni Arroyo sa bilateral meeting, sinabi ni Romualdez na si Arroyo ang nagsisilbing adviser ni Pangulong Marcos at  patuloy itong magbibigay ng payo.

“PGMA is definitely a big asset. Her reputation, her track record needs no introduction to anyone and her advice, her counsel to our President, President Marcos, right now is invaluable,” ayon kay Romualdez.

“PGMA has always been of good counsel to President Marcos. President Marcos respects PGMA a lot for she has a lot of experience, she was a brilliant president, very experienced,” aniya pa rin. Kris Jose