Kalansay ng 8-anyos, natagpuan

Kalansay ng 8-anyos, natagpuan

January 28, 2022 @ 3:52 PM 8 months ago


Cagayan – Isang kalansay ng isang 8-anyos na babae ang natagpuan sa kagubatan malapit sa baybayin bahagi ng Brgy. Caroan, Gonzaga dito sa nabanghit na lalawigan.

Kinumpirma  ang bangkay na batang matagal nang nawawala na si Lady Wayen Ringor ang natagpuang kalansay ng isang netizen.

Matatandaang Oktubre 7, 2021 nang iulat sa pulisya ang pagkawala ng bata hanggang sa natagpuan nga ang katawan nitong huli na wala ng buhay.

Dahil dito, duda ang pamilya ng biktima na hindi basta lang pinatay ang biktima.

Kung kayat dinala na sa Provincial Crime Laboratory Office ang bangkay ng bata upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay. (REY VELASCO)