Kalansay ng tao nahukay sa ipinatatayong DOJ building

Kalansay ng tao nahukay sa ipinatatayong DOJ building

November 24, 2022 @ 6:48 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Tumambad sa mga awtoridad ang ilang mga kalansay sa mismong compound ng Department of Justice sa Maynila.

Dinala ang narekober na skeletal remains sa excavation site ng DOJ  sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagsusuri.

May isang bungo rin na nahukay mula sa pinaniniwalaang tao.

Ang naturang paghuhukay ay bahagi ng ipinatatayong Justice Center Building 2 ng DOJ.

“Merong mga skeletal remains na narecover because of the ongoing construction. Syempre, like any, we treat it like a crime scene. So pinatawag natin ang NBI ngayon to look into it,” ayon kay Justice Undersecretary Brigido Dulay.

Sinabi niya na agad na ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na imbestigahan ang skeletal remains.

Nang tanungin kung nakahukay na dati ng iba pang skeletal remains, sinabi ni Dulay na hindi niya ito masasagot batay sa kanyang personal knowledge.

“Kasi kapapasok lang namin. So historically I don’t know kung merong before our time kung may nahukay. But we’re just treating this one, because of the incident, ito lang muna ang tinitignan namin,” aniya. Teresa Tavares