Kalat-kalat na pag-ulan, asahan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Kalat-kalat na pag-ulan, asahan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

October 9, 2022 @ 7:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Asahan na ang kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Oktubre 9 ayon sa PAGASA.

Ito ay dulot ng trough ng low pressure area (LPA) sa Gitnang Luzon samantala ang mismong LPA naman ay namataan 1,430 kilometro silangan ng Gitnang Luzon.

Posibleng ngayong araw din pumasok sa Philippine area of responsibility ang sama ng panahon ngunit maliit ang tsansa na ito ay maging isang bagyo ayon sa PAGASA.

Ayon kay PAGASA forecaster Veronica Torres, ang trough ng LPA ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa buong Visayas, Caraga region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Region, Mindoro at Palawan.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng magandang panahon na may bahagyang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorm. RNT/JGC