Kalat-kalat na pag-ulan posible sa localized thunderstorm

Kalat-kalat na pag-ulan posible sa localized thunderstorm

June 7, 2022 @ 6:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Makaapekto ang ridge ng High Pressure Area (HPA) sa silangang bahagi ng Luzon ngayong Martes, iniulat ng PAGASA.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Ang kanluran at hilagang bahagi ng hilagang Luzon ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na bilis ng hangin na kumikilos sa timog-kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa timog-silangan hanggang timog-kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.

Sumikat ang araw bandang 5:26 a.m., at lulubog ito mamayang 6:24 PM. RNT