Kalat-kalat na pag-ulan sa habagat mararanasan sa Batanes, Cagayan

Kalat-kalat na pag-ulan sa habagat mararanasan sa Batanes, Cagayan

July 4, 2022 @ 6:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon (Habagat) sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon sa Lunes, at magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Cagayan, sinabi ng PAGASA sa pagtataya nito.

Ang mga lugar na ito ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan at pagkidlat-pagkulog. Ang mga flash flood o landslide ay maaaring magresulta dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang easterlies naman ay nakakaapekto sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte. Ang mga lugar na ito ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog, na may mga flash flood o landslide na posibleng dulot ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa sa kabilang banda ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Ang mga flash flood o landslide ay maaaring mangyari sa panahon ng matinding bagyo.

Sumukat ang araw bandang 5:35 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:30 ng gabi.