Kalidad ng buhay, lumala para sa 31% ng mga Pinoy sa nakalipas na 12 buwan – sarbey

Kalidad ng buhay, lumala para sa 31% ng mga Pinoy sa nakalipas na 12 buwan – sarbey

September 15, 2022 @ 10:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang 31%  ng mga  Filipino  ang nagpahayag na lumala ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.

Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey ng SWS, makikita na may 29% ang nagpahayag na bumuti ang kanilang buhay habang  39% ang nagsabi na hindi nabago ang kanilang buhay at tulad pa rin ng nakaraang taon.

Ayon sa SWS, ang mga nagsabi na bumuti ang kanilang buhay ay  classified  bilang  “gainers,” para naman sa mga nagsabing hindi nabago ang kanilang buhay ay  classified bilang  “unchanged,” at sa mga nagsabi naman na lumala ang kanilang buhay ay  classified bilang  “losers.”

“The resulting net gainers score is -2 (percentage of gainers minus percentage of losers), classified as fair,” ayon sa SWS.

Ang second quarter 2022 SWS survey ay isinagawa mula Hunyo  26  hanggang 29,  gamit ang  face-to-face interviews sa 1,500 adults (18 taong gulang pataas) sa buong bansa, kung saan 300 sa Kalakhang Maynila, 300 sa Visayas, at 300 saMindanao, habang  600 naman ay mula sa Balance Luzon.

Ang sampling error margins ay  ±2.5% para sa  national percentages, ±5.7%  sa bawat Metro Manila, Visayas, at Mindanao, habang  ±4.0% para sa Balance Luzon.

“The June 2022 net gainer score is similar to the “fair” -2 in April 2022, and still 20 points below the pre-pandemic level of the “very high” +18 in December 2019,” ayon pa rin sa SWS.

“The survey question on the respondents’ assessment of their change in quality-of-life in the past 12 months has been fielded 145 times since April 1983,” ang pahayag ng SWS sabay sabing “The net gainer score was generally negative until 2015 when it rose to positive numbers until the drastic deterioration beginning with the Covid-19 pandemic lockdowns. It has since trended back upwards but still has not reached the positive range.”

Sinabi pa ng SWS na ang “steady” national net gainer score sa pagitan ng  April 2022 at June 2022 ay bunsod ng mataas sa  Metro Manila at Luzon outside Metro Manila o Balance Luzon, pinagsama naman ang pagbaba sa Mindanao at Visayas.

Sinabi pa nito na kumpara sa April 2022,  ang net gainers ay bumaba mula “fair to “mediocre”  sa hanay ng  non-elementary graduates, bumaba ng 3 puntos mula sa -9 hanggang  -12.

“It rose from “mediocre” to “fair” among elementary graduates, up by 6 points from -13 to -7,” ayon sa SWS.

Samantala, nauna nang iniulat ng SWS batay sa resulta ng survey na konti na lamang ang bilang ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng  involuntary hunger sa  second quarter ng 2022.

Ang nationwide survey ay isinagawa noong  Hunyo 26 hanggang 29, sa1,500 respondents kung saan lumabas na 11.6% ng pamilya Pilipino o 2.9 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.

“This is lower than the 12.2 percent or 3.1 million families that felt involuntary hunger in the April 2022 survey, and 0.2 points below the 11.2 percent or 3 million households in the December 2021 survey,” ayon sa SWS.

Ang involuntary hunger ayon sa SWS ay “being hungry and not having anything to eat at least once in the past three months.”

Magkagayon man, sinabi ng SWS na “the latest figure is still 2.3 points above the pre-pandemic annual average of 9.3 percent in 2019.”

“Hunger eases in Metro Manila, Visayas; rises in Mindanao, Balance Luzon,” ayon sa SWS.

Tinukoy pa ng SWS  na ang karanasan ng pagkagutom ay mataas sa Metro Manila na may 14.7% ng pamilyang Pilipino, sumunod ang Mindanao na may 14%  Balance Luzon o Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila na may 11.9% at Visayas na may 5.7%.

“The 0.6-point decline in overall hunger between April 2022 and June 2022 is due to declines in Metro Manila and the Visayas, combined with increases in Mindanao and Balance Luzon,” ayon pa rin sa SWS.

Idagdag pa, sinabi ng SWS na ang 11.6% hunger rate nito lamang June 2022 ay kabuuan ng 9.4 % o 2.4 milyong pamilya na nakaranas ng “moderate hunger” at 2.1% ng 546,000 pamilya na nakaranas ng “severe hunger.”

Ang moderate hunger ay tumutukoy sa mga nakararanas ng pagkagutom, “only once” or “a few times” sa nakalipas na tatlong buwan habang ang severe hunger ay tumutukoy naman sa mga taong nakararanas ng pagkagutom ng madalas o palagi sa nakalipas na tatlong buwan. Kris Jose