Kalidad ng tubig sa Manila Baywalk gumanda – DENR

Kalidad ng tubig sa Manila Baywalk gumanda – DENR

January 23, 2022 @ 10:27 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Nagbunga ang tuloy-tuloy na rehabilitation efforts ng gobyerno sa Manila Bay dahil sa pagbaba ng lebel ng coliform bacteria sa katubigan sa Baywalk area.

Ito ang inanunsyo ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Climate Change Service officer-in-charge Director Elenida Basug.

Giit niya na ang solid waste management (SWM) rehabilitation strategies, geoengineering interventions at pag-monitor ng mga establisimyento sa regulatory compliance ay mga susi sa pagbaba ng coliform level at pagbuti ng kalidad ng tubig.

“That (coliform bacteria) level decreased to an average (of) 21,100 most probable number (mpn) per 100 milliliters (ml) in the third quarter of 2021 from 5.75 million mpn per 100 ml in 2019,” aniya base sa datos ng Manila Bay Coordinating Office.

Sa inspeksyon noong Hunyo, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu, na ang standard fecal coliform level sa Manila Bay ay kailangang bumaba to 100 mpn/100ml para ligtas na malanguyan ang tubig.

Sinabi pa ni Basug na nasa19,000 clean-up activities kaugnay sa Manila Bay rehabilitation, ang isinagawa sa pagitan ng Enero hanggang Setyembre 2021. RNT