Kaligtasan ng mga estudyante sa F2F classes pinaga-garantiya ng students’ group

Kaligtasan ng mga estudyante sa F2F classes pinaga-garantiya ng students’ group

January 13, 2022 @ 4:47 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng isang grupo ng mg estudyante nitong Huwebes na pabor sila sa unti-unting pagbabalik ng in-person classes sa higher education, subalit iginiit na dapat masiguro ng mga paaralan ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Inihayag ni National Union of Students of the Philippines (NUSP) President Jandeil Roperos na ang pagbabalik sa classroom instruction ay dapat gawing “case-to-case basis.”

“Depende sa sitwasyon. Kung masisiguro iyong mga requisites for face-to-face classes, kahit sa Alert Level 3. Basta masiguro iyong testing… retrofitting ng mga school at ng mga classroom,” pahayag niya.

Umapela rin ang lider ng mga kabataan sa Commission on Higher Education (CHED) at sa pamahalaan na patuloy na suportahan ang mga pangangailangan ng sektor ng edukasyon.

“Ito ay sa porma ng dagdag na budget sa 2022 for education, lalo na nasa phase na tayo ng resuming of our physical classes,” sabi niya. RNT/SA