Kaligtasan ng pagbiyahe sa Pinas kasunod ng US travel advisory, tiniyak ng DOT

Kaligtasan ng pagbiyahe sa Pinas kasunod ng US travel advisory, tiniyak ng DOT

August 17, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) sa mga byahero na “in place” ang pamamaraan para siguraduhin ang kaligtasan ng mga ito habang binibisita ang iba’t ibang destinasyon sa Pilipinas.

Tugon ito ng DoT sa naging hakbang ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ilagay ang bansa sa ilalim ng alert level 3 para sa “high-level of coronavirus disease 2019” (Covid-19).

Pinawi naman ng DOT ang pangamba ng mga byahero dahil mahigit sa kalahati ng 235 na lugar na mino-monitor ng CDC ay nasa ilalim ng nasabing level.

“The global pandemic continues to expose the tourism industry to challenges, but our travelers can rest assured that the Philippine government continues to ensure that minimum public health and safety standards are in place, coupled with the precautionary measures observed by our partners from the private and public sectors. Therefore, our guests can safely enjoy any of our 7,641 islands even in the time of the Covid-19 pandemic,” ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

“We are confident of the measures and guidelines that we have instituted to strike a balance between safety and travel in the new normal.”dagdag na pahayag nito.

Hindi katulad ng ibang bansa sa kanluran, nananatili ang mahigpit na polisiya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusuot ng face masks upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Tinatayang mahigit na sa 72 milyong Filipino ang fully vaccinated “as of Aug. 15, 2022.” Kris Jose