Kaligtasan sa aangkating bakuna, tututukan ng vaccine experts

Kaligtasan sa aangkating bakuna, tututukan ng vaccine experts

January 13, 2021 @ 6:40 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Siniguro ng isang vaccine expert na mayroong komite na siyang nakatokang magmonitor sa posibleng side effect ng COVID-19 vaccines.

Ito’y kasunod nang inaasahang pagsisimula ng government vaccination program sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni UP- PGH professor Emeritus Dra Lulu Bravo “in place” na noong 2013 pa ang National Adverse Event Following Immunization Committee.

Ayon pa kay Dra. Bravo, binubuo ang komite ng ibat ibang eksperto na siyang susuri sa epekto ng bakuna.

Aniya pa, hindi lamang dito sa Metro Manila mayroong National Adverse event following immunization committee kundi maging sa local at regional immunization center ay mayroon nito.

Sa kabilang dako, ipinagmalaki pa ni Dra. Bravo na kabilang ang Pilipinas sa iilang mga bansa sa Asia Pacific ang mayruong ganitong kumite.

Samantala, umaapela naman si Dra. Bravo sa publiko na pagkatiwalaan ang mga bakuna dahil hindi naman ito ibibigay ng gobyerno kung hindi ito dumaan sa pagsusuri ng fda at kung hindi ligtas at epektibo. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...