Kaligtasan sa kalsada, gawing ‘top priority’ – DOTR

Kaligtasan sa kalsada, gawing ‘top priority’ – DOTR

November 20, 2022 @ 3:26 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) na manatiling ‘top priority’ ang kaligtasan sa kalsada, gawin ang responsibilidad at tanggapin ang pananagutan.

Ginawa ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang panawagan sa pagdiriwang ng “National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivors and Families”.

Bilang Kalihim ng ahensya, nangako si Bautista na palalakasin ang kamalayan at promosyon sa kaligtasan sa kalsada, alinsunod sa pagpapatupad ng Philippine Road Safety Action Plan (PRSAP).

Kinilala rin ang mga frontliners at kanilang kanilang kabayanihan sa pagsiguro ng kaligtasan sa kalsada at pagliligtas ng mga buhay sakaling magkaroon ng mga aksidente.

Ang pagdiriwang na ito ay humihimok din sa lahat na magtulungan upang palakasin ang adbokasiya ng kaligtasan sa kalsada at ipatupad ang mga patakaran nang naaangkop. Jocelyn Tabangcura-Domenden