KALIHIM NG PARAÑAQUE MAYOR PALPAK

KALIHIM NG PARAÑAQUE MAYOR PALPAK

July 28, 2022 @ 5:34 PM 3 weeks ago


MUKHANG hindi tugma sa kanyang posisyon ang naitalagang kalihim sa tanggapan ni Paranaque Mayor Eric Olivarez dahil mismong mga mamamahayag ang nakasaksi sa naging kapalpakan sa pagi-schedule ng appointment ng alkalde.

Binigyan kasi ng schedule ng kalihim ng alkalde ang mga opisyal at miyembro ng Southern Metro Media Press Corps (SMMPC) na kumakalap ng balita sa katimugang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang Paranaque City, para sa isang courtesy call noong

Huwebes, Hulyo 21, ala-1 ng hapon para makapanayam sa iba’t-ibang isyu si Olivarez kabilang na ang umano’y pag-demote at paglilipat ng puwesto sa ilang career officials ng lungsod.

Siyempre, para hindi maghintay ang alkalde, alas-12 pa lang ng tanghali ay naroon na ang mga mamamahayag sa labas ng tanggapan ng alkalde, kasama ang ilang taong may appointment sa punong lungsod.

Nang sumapit ang oras, hindi kaagad pinapasok ang grupo dahil mayroon pang pakikipagpulong sa department heads na karaniwang ginagawa tuwing Lunes.

Hindi naging problema sa mga mamamayahag ang paghihintay dahil madalas talagang mangyari na naghihintay sila kaya nang makalipas ang dalawang oras ay medyo nainip na ang mga mamamahayag at muling hiniling na makausap na si Olivarez.

Kaya lang, may pumapel na kagawad ng barangay, na malamang gustong lumapad ang papel kay mayor, dinuro-duro ang mamamahayag dahilan upang makatawag ng atensyon ng mga tao sa paligid.

Magwo-walk out na sana grupo pero sinabihan na susunod na silang papapasukin kaya naghintay na rin bukod pa sa bumubuhos ang ulan sa labas.

Gayunman, umiral ang palakasan kaya nasingitan pa ang grupo na umabot pasado alas-5 ng hapon bago umalis nang tumila na ang ulan.

Sabi ng pangulo ng SMMPC na si Jojo Sicat, gabi na nang nakatanggap siya ng tawag kay Mayor Eric na humihingi ng paumanhin sa kapalpakan ng kanyang sekretarya.

Sinabon na umano ng alkalde ang kanyang sekretarya dahil sa hindi paga-ayos ng skedyul dahilan para di niya naharap ang media.