Kaliwa Dam, pinalagan; Rizal at Quezon, lulubog

Kaliwa Dam, pinalagan; Rizal at Quezon, lulubog

March 25, 2019 @ 4:52 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Hindi na dapat pang mabigyan ng pahintulot ng kinauukulang ahensya ang Kaliwa Dam project.

Ito ang ginawang paghimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang Kaliwa Dam project ay hindi na dapat pang mabigyan ng Environment Compliance Certificate.

Binigyang diin ng kongresista na mahigpit na tinututulan ng mga katutubo ang naunang pagtatayo ng Laiban dam mula pa noong 1984 na mas nauna pa sa Kaliwa-Kanan Dam projects.

Sinabi ni Zarate na ang ilulubog ng nasabing proyekto ay ang 28,000 ektaryang lupa o siyam na villages sa mga probinsya ng Rizal at Quezon.

Maaapektuhan din aniya ang nasa 5,000 pamilya mula sa indigenous sector kapag itinulak ang proyekto na pinondohan mula sa utang sa China.

Maging ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay pinayuhan ni Zarate na maging strikto sa Maynilad at Manila Water dahil 1 Billion litro ng tubig ang nasasayang kada araw.

Pinatututukan din ng kongresista ang rehabiltasyon ng Wawa dam at Kaliwa weir na mas dapat inuuna ng gobyerno. (Meliza Maluntag)