Pagpapatayo ng Kaliwa Dam tuloy; hindi aabot ng $800M

Pagpapatayo ng Kaliwa Dam tuloy; hindi aabot ng $800M

March 20, 2019 @ 3:06 PM 3 years ago




Manila, Philippines – Harangan man ng sibat ay tuloy na tuloy na ang pagpapatayo sa Kaliwa Dam project para makatulong para sa dagdag na supply ng tubig  sa Metro Manila at ilang karatig- bayan.

Sa isinagawqng press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)  administrator Reynaldo Velasco na tapos na ang bidding sa proyekto at popondohan ito ng official development assistance fund ng China.

Aniya, isa ito sa pakay  ng high – level delegation ng Malacañang sa China para bigyan ng development report  at  iba pang China -funded projects .

Ani Velasco, hindi aabot sa mahigit 800 milyong dolyar ang halaga ng Kaliwa Dam project sa lalawigan ng Quezon.

Aniya, nasa 248 milyong dolyar lamang o katumbas ng 12.2 bilyong piso ang halaga ng proyekto, at hindi aniya nito alam kung saan  nanggaling ang ulat na umaabot sa  800 milyong dolyar  ang Kaliwa Dam project.

“Tapos na po ang bidding dito, may nanalo na. 248 million dollar lang po talaga yan, hindi po yung 800 million dollars na sinasabi. Hindi po totoo yung ipinamamalita na masyadong mahal ang Kaliwa Dam, nakatipid po tayo ng something like 6.5 billion pesos,” ayon kay Velasco.

Kaya nga, umaasa  ang opisyal na matatapos ang  project bago pa man bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa 2022.

Sa kabilang dako, ang Kaliwa dam project ani Velasco ay matagal ng project at ngayon lang ito maisasakatuparan sa ilalim mg Duterte administration.

Mula 1967 aniya ay wala pang itinayong bagong dam hanggang ngayon maliban sa Angat dam na napipiga ng husto para sa water supply ng Metro Manila.

“Kailangan natin ang Kaliwa Dam dahil simula 1967 wala po tayong naitayong project. Iyong Angat Dam lang ang naitayo , napipiga natin, talagang umiiyal  na. Nama-maximize na natin ang tubig na manggagaling ss Angat dam,” aniya pa rin. (Kris Jose)

Sa press briefing sa Malakanyang, itinatwa ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco na nasa $248 million P12.2 billion lamang ang halaga ng naturang proyekto.

Walang ideya si Velasco kung saan nanggaling ang ulat na aabot sa $800 million ang gagastusin para sa Kaliwa Dam.

Aniya, natapos na ang bidding ng proyekto.

Samantala, kumpiyansa si Velasco na matatapos ang Kaliwa Dam Project bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. (Kris Jose)