Kalsada sa Pagudpud sarado sa landslide

Kalsada sa Pagudpud sarado sa landslide

October 16, 2022 @ 12:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sarado muna sa mga motorista ang national highway na sakop ng Pagudpud, Ilocos Norte dahil sa paggguho ng lupa na epekto ng Severe Tropical Storm Neneng.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, sarado ang bahagi ng Manila North Road sa Pancian village dahil sa landslide.

Sisimulan naman ang clearing operation sa oras na umayos na ang lagay ng panahon.

Maaari munang daanan ng mga apektadong motorista ang national road sa Ilocos-Sur-Abra-Kalinga-Tuguegarao bilang alternatibong ruta.

Matatandaan sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ay lumakas pa ang bagyong Neneng at isa nang Severe Tropical Storm. RNT/JGC