KALUSUGAN, DEMOKRASYA ISULONG SA HALALAN

KALUSUGAN, DEMOKRASYA ISULONG SA HALALAN

May 5, 2022 @ 9:39 AM 2 months ago


MAHALAGANG paghandaan ang pagsunod sa pa­takaran o health protocols sa idaraos na halalan sa May 9, 2022.

Totoong humina ang pag-atake ng COVID-19 sa ating bansa dahil sa walang humpay na programa sa pagbabakuna at pagpapaalala ng gobyerno sa mamamayan ukol sa mga health protocol.

Sa kasalukuyan, hindi na umangat sa 300 kaso kada araw ang kumpirmadong ti­nata­maan ng sakit mula April 1, 2022 hanggang May 1, 2022 kung pagbabasehan natin ang CO­VID-19 tracker ng Department of Health.

Mas magiging mabuti kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga numero pagkatapos ng botohan.

Magagawa lang natin ito kung maisasakatuparan ng bawat isa ang pagsunod sa health protocols.

Huwag ding ma­ngamba na hindi maka­bo­boto kung walang negative result ng RT-PCR  o antigen at wa­lang suot na face­shield da­hil nilinaw naman ng CO­MELEC na hindi na ito kaila­ngan.

Ang mga naka-quarantine lamang ang hindi makaboboto.

Ang minimum o basic protocol na ginagawa natin sa kasaluku­yang alert level ng Inter-Agency Task Force ang dapat na­ting sundin.

Ang pagtupad sa mga health protocols ay pagpapakita rin ng maalab na partisipasyon sa p

Kung napoprotektahan natin ang ating sarili, mahihikayat ang iba na magpunta sa kanilang pre­sinto upang sila ay makaboto.

Sa ganitong paraan, mas ma­kukumbinsi ang marami na  pumili ng mga kandidatong magpapatuloy ng mga reporma at pagbabagong nasimulan na ni Pangulong Digong na kailangan ng ating bayan.

Protektahan at bantayan din natin ang sagradong boto laban sa mga taong gustong baguhin ang resulta ng halalan na labag sa totoong kagustuhan ng taumbayan.

Patuloy na magmanman at tibayan ang ating hanay para sa demokrasya. Gamitin ng tama ang kapangyarihang nasa kamay ng bawat isa.

Magkita-kita po tayo sa Mayo a-nueve.