KALUSUGAN NG INA AT KANYANG SANGGOL, SAGOT NG PHILHEALTH

KALUSUGAN NG INA AT KANYANG SANGGOL, SAGOT NG PHILHEALTH

March 17, 2023 @ 8:15 AM 2 weeks ago


BILANG bahagi ng obserbasyon ng National Women’s Month alinsunod sa Presidential Proclama-   tion No. 224, No. 227 at Republic Act No. 6949 ay ipinaaalala ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na ang mga buntis na kababaihan ay may benepisyong makukuha mula sa ahensya, kabilang ang maternity care package, normal spontaneous delivery package, at antenatal care package.

Ang MCP ay ang kumpletong mahahalagang health care services sa mga buntis sa kanilang antenatal period, kabuuang pagbubuntis, normal delivery, post-partum period, at follow-up visits.

Nasa P6,500 ang case  rate sa mga ospital, infirmaries, dispensaries, at birthing homes, habang nasa P8,000 case rate sa mga maternity clinics. Sa nasabing case rate, 40% ay para sa professional fees at 60% sa facility fee.

Sakop naman ng NSD ang mga serbisyo sa mga normal low risk vaginal deliveries at post-partum period.

Nasa P19,000 ang caesarian section, P9,700 sa complicated vaginal delivery, at P12,120 sa breech delivery and vaginal delivery    after caesarian section.

Sinasagot din ng PHILHEALTH ang mga nais ng intrauterine device insertion bilang bahagi ng family planning na nagkakahalaga ng P2,000 bilang second case rate.

Kaisa ang PHILHEALTH sa hangarin na mabigyang proteksyon ang kalusugan ng isang inang nagdadalang-     tao at ang kanyang magiging sanggol. Sa datus ng Department of Health, hindi bumababa sa 2,600 ang naitatalang kaso ng maternal deaths sa bansa. Isa ito sa mga tinututukan ng United Nations        sa kalipunan ng mga Sus-   tainable Development Goals na ukol sa good health and well-being.

Muli, maligayang buwan ng kababaihan sa lahat ng aking mga kabaro.
Samantala, alam n’yo na ba ang magandang balitang hatid ng PHILHEALTH para     sa mga outpatient hemo-    dialysis natin?

Mula sa dating 90 sessions ay ginawa na itong 156 sessions epektibo ngayong taon na ito.  Hintayin na lang ang susunod na press conference ng PHILHEALTH na pinangunahan mismo ni president and chief executive officer nito na si Emmanuel Ledesma, Jr., kung kailan magiging epektibo ang karagdagan session para sa outpatient hemodialysis.