Kalusugan ni Pangulong  Duterte, nasa tip top condition- SAP Go

Kalusugan ni Pangulong  Duterte, nasa tip top condition- SAP Go

July 27, 2018 @ 2:10 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Nasa tip top shape ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ani Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go, walang dapat na ikabahala sa kalusugan ni Pangulong Duterte kahit pa lumutang ang balitang isinugod ito sa ospital kahapon.

Kung ilalarawan ani Go ang health status ng Presidente, ito aniya ay nasa tip top condition upang pangunahan ang pagtitimon sa bansa sa susunod na apat na taon.

Pagbibigay diin ni Go, very healthy ang Pangulong Duterte at walang dapat na ikapangamba ang publiko hinggil sa estado ng kalusugan ng Chief Executive.

Dagdag pa niya na karapatan ng bawat Pilipinong malaman ang health status ng Presidente kaya’t wala silang anomang itatago sa kundisyon ng Pangulo. (Kris Jose)