Kamalayan, no. 1 sa party-list order sa Halalan 2022 ballot

Kamalayan, no. 1 sa party-list order sa Halalan 2022 ballot

December 14, 2021 @ 3:06 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nagsagawa ang Commission on Elections (Comelec) nitong Martes ng raffle sa pagkakasunod-sunod ng party-list groups sa mga balota sa Halalan 2022, kung saan nakuha ng Kalipunan ng Maralita at Malayang Mamamayan (Kamalayan) ang pinakaunang pwesto.

Kabilang din sa unang 10 pwesto ang mga sumusunod na party-list groups:

  • Kilos Mamamayan Ngayon Na (KM Ngayong Na)

  • Philippine Society for Industrial Security (PSIS)

  • Agricultural Sectoral Alliance of the Philippines (AGAP)

  • Kabalikat ng Mamamayan (Kabayan)

  • Home Owners and Marginalized Empowerment through Opportunities with Neighborhood Economic Reliability (Home Owner)

  • Kabalikat Patungo sa Umuunlad na Sistematiko at Organisadong Pangkabuhayan Movement (Kapuso-PM)

  • PDP Cares Foundation, Incorporated (PDP Cares)

  • Noble Advancement of Marvelous People of the Philippines (Marvelous Tayo)

  • Advocates and Keepers Organization of OFWs, Inc. (AKO OFW).

sa  10, tanging AGAP at Kabayan party-list lamang ang incumbent members ng House of Representatives.

Kasali sa naturang raffle ang 166 party-list groups. RNT/SA