Kamalayan sa Prostate Cancer

Kamalayan sa Prostate Cancer

June 17, 2018 @ 11:44 AM 5 years ago


Isa sa mga kilalang sakit ng mga lalaki ang prostate cancer. Isa itong mabagal na uri ng kanser na kadalasang walang sintomas hanggang sa maging malala ito. Kaya naman mahalaga talaga ang pagkonsulta palagi ng kalagayan ng katawan upang malaman agad mayroon nang sakit.

Karamihan sa mga kalalakihan na may prostate cancer ay namamatay dahil huli na nilang nalalaman na may sakit sila. Kapag kasi ang kanser ay nagsimulang lumala at kumalat sa labas ng prostate, ito ay mapanganib na.

Ano nga ba ang prostate?

Ang prostate ay isang gland na matatagpuan sa reproductive system ng isang lalaki. Ang prostate ay siyang gumagawa ng semen ng lalaki, na siya namang tagapagdala ng sperm.

Ang prostate cancer na nadiskubre sa maagang yugto ay kadalasang nagagamot kaya mahalaga ang tamang kaalaman tungkol sa sakit na ito.

Sintomas ng prostate cancer

Kumonsulta agad sa doktor kung nararanasan mo ang alin man sa mga sumusunod na sintomas:

– Hirap umihi
– Madalas na pag ihi
– Masakit na pag ihi
– Masakit kapag linalabasan o tuwing ejaculation o pagbulaslas
– May dugo sa semen
– Dugo sa ihi o hematuria
– cErectile dysfunction
– Sakit o paninigas ng lower back, hips, pelvis o thighs

Mga paraan ng paggamot sa prostate cancer

Iba’t iba ang mga salik o factors na dapat tingnan para makapamili ng swak na gamot sa sakit na ito. Narito ang ilan:

– Gaano kabilis ang paglaki ng tumor
– Laki ng tumor at gaano na ba ito kumalat, ito ang magsasabi ng stage ng iyong cancer
– Edad at ang iyong pangkalahatang kalusugan
– Ang iyong personal na kagustuhan sa paggamot

Narito ang ilan sa mga paraan ng paggamot sa prostate cancer:

Paghintay at pag mamasid (watchful waiting o active surveillance). Karamihan sa mga kaso ng prostate cancer ay mabagal lumaki kaya iniisip ng ilang doktor na mas mabuting huwag muna itong galawin hanggang hindi pa naman nagpapakita ng mga sintomas. Pero dapat maging mapanuri pa rin at ugaliin ang check-up sa doktor

Pag-opera. Sa prosesong ito, tatanggalin ang buong prostate gland ng pasyente. Ang uri ng opersyong gagawin sayo ay depende sa kung gaano kalaki ang tumor at kung saan ito banda tumubo.

Radiation. Sa pamamagitan ng malalakas na radiation , papatayin ang mga cancer cells at paliitin ang tumor.


Maiiwasan ba ito?

Mahalaga pa rin ang pagpapakonsulta buwan-buwan para agad na malaman ang kalagayan ng katawan at siyempre ay manatiling healthy.

Mga dapat kainin

Fruits and vegetables
Startchy foods kagaya ng rice, pasta, bread, potato at kamote
Pagkain na may lycopene kagaya ng tomatoes o kamatis at ibang mga prutas at gulay na kulay pula
Pagkain na may selenium kagaya ng seafood, liver at kidney


Exercise

– 2.5 hours ng moderate exercise every week (brisk walking, jogging, cycling, etc.)
– 75 minutes ng vigorous exercise every week (basketball, football, etc.)
– Mag-exercise kasama ng mga kaibigan para hindi mabilis ma-bored
– Outdoor activities kagaya ng hiking

Mahalaga talagang hangga’t maaga pa ay alam natin kung paano pangalagaan ang ating mga katawan. Laging tandaan, prevention is better than cure. (Remate News Team)