Kamandag joint military drills ikinasa ng PH, US

Kamandag joint military drills ikinasa ng PH, US

October 8, 2022 @ 2:36 PM 2 months ago


SAN ANTONIO, Zambales- Nagtungo ang pwersa ng Estados Unidos at Pilipinas sa isang beach malapit sa South China Sea (West Philippine Sea) nitong Biyernes bilang bahagi ng joint military drills kabilang ang 3,500 tropa.

Ito ang unang pagkakataon na ang annual naval exercises ay isinagawa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, na naghayag ng suporta para sa alyansa, matapos ang “rocky relations” sa kanyang predecessor na si Rodrigo Duterte.

Nagpasalamat si Marcos kay US President Joe Biden sa meeting sa New York nitong nakarang buwan at sinabing ikinagagalak nito ang papel ng Amerika “in maintaining the peace in our region”.

Umarangkada ang Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat or Kamandag (Kamandag) exercises nitong Lunes at ikakasa sa main island ng Luzon hanggang Oktubre 14.

Isa sa mga layunin ng aktibidad ay ang pagpapabuti sa coastal defense capability ng Philippine military.

Halos 300 troops tropa ang kalahok sa amphibious drills nitong Biyernes sa isang beach sa Zambales, halos 240 kilometers (150 miles) silangan ng Scarborough Shoal (Panatag Shoal).

“We are preparing for any threat that will be coming sooner or later,” ani Major Emery Torre, tagapagsalita ng Philippine Marine Corps. RNT/SA