Kamara abala pa rin kahit ratipikado na 2023 badyet

Kamara abala pa rin kahit ratipikado na 2023 badyet

December 7, 2022 @ 2:44 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Manila, Philippines – Bagama’t ratipikado na ang 2023 General Appropriations Act (GAA) ay tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na magiging abala pa rin ang Malaking Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Romualdez, mula ngayon hanggang bago ang Christmas break sa Disyembre 17 ay marami pang kailangan gawin ang mga kongresista partikular ang pagpapasa ng mga priority legislation ng adminsitrasyon.

“I do my dutiful work as the younger cousin of the president. We have other legislation in the works. So I implore you that these last remaining days of 2022 let’s keep on pushing hard because we’ve done so much thus far and we will get this done,” banggit pa ni Romualdez.

Katunayan naiparating na kay na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at kinilala nito ang pagsisikap ng Kamara na maipasa ang karamihan sa priority measures ng pamahalaan.

Posible aniyang sa pagbabalik na ni Pangulong Marcos mula sa Brussels, Belgium sa kaniyang pagdalo sa ASEAN-EU Summit malagdaan ang 2023 badyet.

Una nang sinabi ng House leader na target nilang maipasa ang nasa 15 hanggang 18 na panukala mula sa 30 LEDAC priority bills.

Kabilang dito ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines at 4th package ng Comprehensive Tax Reform na PIFITA na kapwa lusot na sa 3rd reading at Condonation sa Unpaid Amortization and Interest Loan ng Agrarian Reform Beneficiaries, Internet Transaction Act at Waste to Energy Bill na aprubado na sa second reading.

“I’ve also reported to the president and I’m also glad to note that he has not taken for granted the fact that, most if not all of his initial priority legislation would have been passed in the house before we adjourn this year.” binigyang diin ni Romualdez. Meliza Maluntag