Kamara back to work na: 11 panukala agad naipasa

Kamara back to work na: 11 panukala agad naipasa

November 8, 2022 @ 1:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa unang araw pa lang ng pagbabalik sesyon sa Kamara ay nasa 11 panukalang batas ang naipasa nito sa ikalawa at huling pagbasa.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez ang araw ng Lunes, ang unang araw ng sesyon, ay karaniwang nakalaan sa privilege speech ng mga mambabatas at referral sa mga inihaing panukala sa mga komite subalit kahapon ay mas naging produktibo.

“We immediately buckled down to work on the first day of our resumption of session. It was a productive day,” pahayag ni Romualdez.

“We managed to pass bills of national and local importance, thanks to the cooperation of every House member,” dagdag pa nito.

Isa sa naipasa ay ang House Bill (HB) No. 5087 na inakda ni Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr na nagsusulong na isama ang National Building Code bilang subject sa engineering at architecture courses gayundin sa licensure examinations.

Ang HB No. 5110 na nagsusulong para sa “conservation and protection” ng Philippine cultural heritage sa pamamagutan ng cultural mapping at enhanced cultural heritage education program.

Naipasa din ang House Bill No. 362 na hunihiling na palawigin pa ng 50 taon ang Philippine Aerospace Development Corp na nasa ilalim ng Department of National Defense (DND) na mageexpire ang charter sa Sept. 5, 2023.

Tatlong resolusyon din ang inapruhan sa sesyon ng Kamara kabilang ang pagdadalamhati sa mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Paeng. Ikalawa ay pagtulong sa mga biktima ng bagyo at pagpapaabot ng simpatiyasa pamilya ng pinaslang na si Percy Lapid.

Walo pa sa naipasa ay ang HB 5167, pagdedeklara sa Tugonan Waterfalls isa Barangay San Lorenzo, Prosperidad, Agusan del Sur bilang ecotourism site; HB 5168, pagdedeklara sa National Shrine of our Mother of Perpetual Help o Baclaran Church bilang heritage site at tourist destination.

HB 5169, pagdedeklara sa Mount Arayat bilang ecotourism; ag panukalang pagdedeklara sa Luzon Datun sa Marinduque bilang tourist spot; HB 5171, pagdedeklara sa Cebu Safari at Adventure Park bilang tourism destination.

Ang HB 5172, pagturing sa Dao tree sa Cagayan de Oro City bilang Cagayan de Oro Heritage Tree: HB 5173, pagdedeklara sa Guinsaugon Eco-adventure Park sa, Southern Leyte bilqng tourism designation at HB 5174, pagdedeklara sa Pasig islet sa Davao del Sur blang ecotourism site.

Ang nasabing 11 panukala ay isusumite ng Kamara sa Senado para sa konsiderasyon nito. Gail Mendoza