Kamara balik-sesyon na sa Jan. 17

Kamara balik-sesyon na sa Jan. 17

January 14, 2022 @ 6:30 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Babalik na ang regular na sesyon ng kamara sa Lunes matapos mapagdesisyunan na huwag nang pahabain ang ipinatupad na lockdown sa bilang parte ng pag-iingat laban sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Secretary General Mark Llandro Mendoza na bubuksan ang Batasan Pambansa complex sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19 sa mga mambabatas at congressional staff.

Inilahad ni Mendoza na hindi bababa sa 70 personnel at congressmen ang may aktibong COVID-19 infection.

Lahat ng tauhan at mambabatas na awtorisadong mag-report sa Lunes ay kailangang sumailalim sa antigen tests at papayagan lamang silang pumasok sa kamara kapag nagnegatibo sila sa test. RNT/SA