Kamara doble-kayod ngayong 2023

Kamara doble-kayod ngayong 2023

January 2, 2023 @ 1:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na magdodoble-kayod ang mga mambabatas ngayong 2023 upang masiguro na magkakaroon ng kaginhawaan ang bawat pamilyang Filipino sa pamamagitan ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

“This definitely inspires us to work double-time when we resume session next year, pushing us to legislate more laws needed to further boost the economy and improve the living condition of our people,” ani Romualdez.

Ginawa ng kongresista ang pahayag matapos ang naging pagtaya ni Finance Secretary Benjamin Diokno na magiging mabilis ang paglago ng ekonomiya pagsapit ng 2023.

Aniya, welcome development para sa Kamara ang sinabi ni Diokno na “worst is over” para sa Pilipinas at asahan na ang mas magandang taon.

“We, in the House of Representatives, welcome the good news from our Finance Secretary that the worst is over for the Philippines and better years are expected.”

Giit pa ng House Speaker na magsisilbing inspirasyon para sa kanila ang pananaw na ito ni Diokno upang magmadali sa kanilang mga trabaho pagbalik ng sesyon ng Kongreso.

Makasisiguro aniya ang publiko na isusulong ng Kamara ang pagpasa ng mas marami pang panukalang batas na higit na magpapalakas sa ekonomiya at magpapabuti sa pamumuhay ng mga Filipino.

Sinabi rin ni Romualdez na nahigitan pa ng Kamara ang mga inaasahang magagawa nito sa nakalipas na taon pagdating sa pagpapasa ng mga mahahalagang panukalang batas partikular na sa pagratipika ng 2023 National Budget.

Ito aniya ay resulta ng maayos na working relationship ng bawat miyembro ng Kamara na naging maagap sa pagtugon sa mga kinakaharap na hamon ng bawat Filipino.

“In the short time that your Representatives have been in office, the House of the People has exceeded its expectations in terms of approving remedial legislation and passing the budget. I attribute this to the good working relationship among the Members of both Houses of Congress, who are responsive to the needs of the times.”

Siniguro pa ni Romualdez na pananatilihin ng Kamara ang pinakamataas na standard, na naka-salig sa principles of law and justice, nang sa gayun ay matiyak na mapoprotektahan ang karapatan ng bawat mamamayan ng bansa.

“We will maintain the highest standards, adhere to the principles of law and justice, and protect the rights of all citizens. We will not falter in our commitment to serve the public for the greater good and we resolve to make the necessary sacrifices to help each other in these challenging times,” binigyang diin ni Romualdez. Meliza Maluntag