Kamara handa na sa SONA

Kamara handa na sa SONA

July 20, 2022 @ 5:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Handa na ang buong House of Representatives para sa kauna unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos na gagawin sa Plenary Hall ng Batasang Pambansa sa Lunes, Hulyo 25.

Ayon kay House Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau (IPRSAB) Executive Director Lourdes Rajini Rye na inaasahan nila ang maayos at ligtas na okasyon kung saan noon pang buwan ng Mayo sinimulan ang preparasyon.

Ang IPRSAB ng House Inter-Parliamentary and Public Affairs Department (IPPAD) ang syang nangasiwa sa pamamahagi ng mga imbitasyon, seat cards, protocol, pagkain at mga bisita para sa SONA at ito rin ang syang nakikipagkoordina sa Presidential Security Group (PSG) para sa pagscreen ng mga dadalo sa SONA.

“Compared to previous SONA, full house na tayo, full attendance. And then we worked closely with PSG for the screening of the guests. We never screened guests with health and safety protocols in the past, so now that’s an added feature,” pahayag ni Rye.

Pagkatapos ang SONA ay naihanda na din ang snacks at cocktails na isisilbi  sa mga guests sa South Wing Lobby ng Kamara.

Samantala bilang dagdag proteksyon dahil na rin sa face to face SONA ay naglagay ng ultraviolet germicidal irradiation system sa loob plenary hall.

Sa panig ni House Sergeant-at-Arms Rodelio Jocson sinabi nito na nakalatag na din ang security preparations at contingency plans kung saan nagkaroon sila ng pagpupulong sa pagitan nina Philippine National Police chief Lt. Gen. Vicente Danao Jr at PSG Director Col. Nelson Aluad.

Magpapatupad ng “No Fly” Zone at  signal jamming sa mismong araw ng SONA. Gail Mendoza