Kamara hihingi ng tips sa ILO Tripartite Mission

Kamara hihingi ng tips sa ILO Tripartite Mission

January 19, 2023 @ 6:51 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Hihingi ng tips ang Kamara sa magaganap na International Labour Organization (ILO) – High Level Tripartite Mission to the Philippines na gagawin sa Enero 24 hanggang 27 upang makapagbalangkas ng mga panukalang batas na lubos na pakikinabangan ng mga manggagawa.

“We are optimistic that the ILO High Level Tripartite Mission would greatly aid us in coming up with legislation that would strengthen the rights of union and labor groups,” pahayag ni House Committee on Labor and Employment Chairman Fidel Nograles.

Isa ang Pilipinas na nagratipika ng LO Convention No. 87 o Freedom of Association and Protection of the Right to Organize Convention at bunsod nito ay suportado ng bansa ang hakbang ng mga manggagawa sa pagbuo ng mga asosasyon o unyon sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Sinabi ng mambabatas na sa oras na matanggap ng bansa ang resulta ng gagawing mission, ang Kamara sa pamamagitan ng House Committee on Labor ay agad na babalangkas ng kakailanganing batas para sa pagsusulong ng union rights.

“We recognize the fundamental rights of trade union leaders and members and we want to work hand-in-hand with them to help improve working conditions of those in the labor sector,” paliwanag nito.

Nabatid na ilan pa sa tatalakayin sa gagawing mission ng ILO ay ang insidente ng pagpatay sa mga labor leaders at ang kawalan ng aksyon sa pag-iimbestiga sa mga ganitong kaso.

Una nang nanawagan ang ILO Committee of Experts on the Application of Conventions and Recommendations na tugunan ng bansa ang mga pag atake sa mga unyon ng mga manggagawa kung saan base sa datos ng International Trade Union Confederation na mula Nobyembre 2020 hanggang Marso 2021 ay nakapagtala ng 10 kaso ng extrajudicial killing sa trade unionists; 17 kaso ng pag aresto at pagpapakulong matapos ang police police dispersal, 17 kaso ng red-tagging, at harassment mula sa mga kasapi ng Alliance of Concerned Teachers, Kilusang Mayo Uno, Philippine National Police Non-Uniformed Personnel Association Inc at iba pang workers’ organizations. Gail Mendoza