Kamara inalala si Cong Datol

Kamara inalala si Cong Datol

August 10, 2020 @ 2:15 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang mga mambaatas sa pagpanaw ni Senor Citizen Partylist Rep Francisco “Jun” Datol.

Si Datol ang ikaapat na mambabatas na kasapi ng House of Representatives 18th Congress na pumanaw.

Ang una ay si LPG Marketers Association Inc. (LPGMA) party-list Rep. Rodolfo “Rudy” Albano Jr. na pumanaw noong November 5, 2019 sa edad na 85; ikalawa ay si Benguet Rep. Nestor Fongwan, 68, na nasawi noong December 18, 2019; at si Camarines Sur Rep. Marissa Andaya na nasawi sa sakit na cancer noong July 5, 2020 sa edad na 51 anyos.

Bago magsimula noon ang 18th Congress ay pumanaw din ang incoming congressman na si A-Teacher party-list Rep. Mariano “Nonoy” Piamonte, nasawi ito noong June 13, 2019.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez malaking kawalan si Datol na isang “dedicated public servant, dynamic at highly-respected senior member” ng Kamara.

“Cong Jun was a beloved and exemplary leader and a man of vision, action, and compassion who championed the care for elderly. His tireless work and advocacies have assisted our aging population through community-based health, rehabilitation, educational and socio-economic programs for the senior citizens,” pahayag ni  Romualdez.

Sinabi naman ni Tingog Partlist Rep Yedda Marie Romualdez na naging malaking tulong si Datol para maisakatuparan ang mga programa para sa senior citizens.

“Thank you Cong. Datol for your malasakit to senior citizens. You’ve been very instrumental on the effective implementation of various programs and services, especially on the development of senior citizens and advancing their health and well-being. We extend our condolences and sympathies to the bereaved family of our colleague, Cong. Jun Datol. Your memory will forever remain in our hearts and minds.” pahayag naman ni Romualdez.

Ilan sa mga panukalang isinulong ni Datol ay ang pagpasa ng House Bill (HB) No. 06865, An Act Mandating the Conduct of Polymerase Chain reaction COVID-19 Testing for the Vulnerable Members of Society to Stop the Transmission of the Disease; at inakda din nito ang HB 06997 o  An Act Protecting Senior Citizen From Violence, Defining Elder Abuse, And Prescribing Penalties Thereof at HB No. 06148 or ang Act Granting Additional Benefits And Privileges To Senior Citizens With Disabilities.

Si Datol ay nakapasok lamang bilang miyembro ng 18th Congress noong Disyembre matapos na rin magkaroon ng legal issue ang kanyang nominasyon sa Commission on Higher Education.

Kasapi din naman ito ng Kamara noong 17th Congress.

Maliban sa anunsyo ng House Secretariat sa pagpanaw ni Datol wala naman iba pang detalye na ipinalalabas sa kung ano ang ahilan ng bilaan nitong pagpanaw. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •  

Loading...