Kamara, kailangan magdeklara ng permanent vacancy sa pwesto ni ex-Valenzuela Rep. Gatchalian – Comelec

Kamara, kailangan magdeklara ng permanent vacancy sa pwesto ni ex-Valenzuela Rep. Gatchalian – Comelec

February 3, 2023 @ 6:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na kailangang magdeklara ng permanent vacancy para sa nabakanteng pwesto ni dating Valenzuela Rep. Rex Gatchalian na ngayon ay itinalaga bilang DSWD secretary.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. Rex Laudiangco, kapag nagdeklara ang Kongreso ng permanent vacancy at nag-labas ng certification o resolution para sa special elections dito na pag-uusapan ang ‘funding”.

“Pero kagandahan dito in the meantime upon assumption po ni Sec. Rex Gatchalian, immediately nag-issue ang House of Representative ng isang caretaker “, anang Comelec spokesperson.

Dagdag pa ni Laudiangco, kapag plantsado na at madetermina ang petsa ng halalan ay magtatakda na ng calendar of activities kung saan kasama ang special election period tulad na rin ng nagaganap sa Cavite.

“Para lamang itong regular na halalan natin na mas maikli lamang.”

Nilinaw naman ni Laudiangco na pagdating sa usapin ng pondo — ang funding sa BSKE at special elections ay hiwalay. Jocelyn Tabangcura-Domenden