Kamara kinalampag ng solon vs agri smuggling

Kamara kinalampag ng solon vs agri smuggling

January 9, 2023 @ 10:00 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Patuloy na isinusulong ng ilang mambabatas sa Kamara na maging bahagi ito ng kampanya laban sa agriculture smuggling.

Ito ay matapos manawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa lahat ng sektor ng agrikultura na magkaisa upang tuluyan nang masawata ang pagpupuslit ng mga produktong agrikultural na siyang lalong nagpapabigat sa balikat ng mga magsasaka.

“It’s high time that Congress, through its powers of legislation and oversight, gets involved in the fight before things get totally out of control. Kumilos na tayo para sa ating mga kababayan na nagdurusa dahil sa pagmbibiktima ng mga agricultural smugglers,” giit ni Lee.

Kasunod ito ng pahayag ni House ways and means committee chair at Albay Rep. Joey Salceda na sa pamamagitan ng isang independent panel ay kikilos na rin ang Kongreso para labanan ang agri-smugglers, na siyang dahilan sa pagbagsak ng local farm industries at manipulasyon ng presyo sa mga pamilihan.

“For this reason that I would be asking an independent panel such as the Institute for Solidarity in Asia to see what changes we can further bring to the Bureau of Customs (BOC) to tighten agricultural smuggling enforcement,” naunang pahayag ni Salceda.

Suportado naman ito ni Lee na isa ring Bicolano mula sa Sorsogon.

Iginiit din ni Lee ang pangangailangan na palakasin at bigyan ng sapat na kapangyarihan ang mga ahensiya ng gobyerno na naatasang supilin ang agricultural smuggling sa bansa upang magampanang mabuti ang kanilang tungkulin.

“This is an issue that transcends the divisions in Congress. Sa harap ng ganito kalalaki at katalamak na problema kailangang sama-sama tayong umaaksyon,” ani Lee.

Inihalimbawa ni Lee sa mga dapat bigyan ng sapat na pondo at ngipin ang mga opisinang gaya ng Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement sa ilalim ng National Food Safety and Food Security Agency upang matupad ng maayos ang kanilang mga gampanin.

Dagdag pa ni Lee, kailangan ding imbestigahan at mapanagot ang mga nasa pamahalaan na may mga link o kaugnayan sa agri-smuggling.

“Congress can make some headway in this regard to make these criminals accountable.” Meliza Maluntag