Kamara magsasagawa ng imbestigasyon sa COVID-19 budget spending

Kamara magsasagawa ng imbestigasyon sa COVID-19 budget spending

July 22, 2021 @ 12:03 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni House Speaker Lord Allan Velasco na magsasagawa ng imbestigasyon ang Kamara kung paano ginasta ang budget na inilaan sa COVID-19 response.

“I’m sure we’re going to have few hearings so that the executive will be able to explain and show to us how it spent the budget allotted for addressing the pandemic,” paliwanag ni Velasco.

Kung kailan at paano gagawin ang House Inquiry ay hindi pa naman dinetalye ni Velasco.

Matatandaan na ang Senate Committee of the Whole ay nauna nang nagsagawa ng imbestjgasyon kung paano nagastos ang budget para sa pandemic.

Kaugnay nito sinabi ni Velasco na bukas ang Kanara para sa dagdag budget para naman sa pagtugon sa Delta variant.

Bukod pa dito ang dagdag na budget pa para sa pagbili ng bakuna para sa mga bata.

“Congress naman is always open for all the help that needs to be given to the executive, ‘yung mga kinakailangan nilang ipasa na legislations, we’re always here to help lalung-lalo na pagka itong kailangan ng taumbayan para panlaban dito sa ating COVID-19 pandemic,” dagdag nito.

“Lalo na nga ‘yung Delta variant, which is very scary, kinakailangan natin ng additional funding for pagbili natin ng additional vaccines at lalo na ‘yung mga anak natin na kinakailangang mabakunahan na din,” pagtatapos.pa ni Velasco. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •