Kamara nag-convene na bilang Board of Canvassers

Kamara nag-convene na bilang Board of Canvassers

May 24, 2022 @ 12:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nag-convene na bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang House of Representatives at Senado para sa pagbibilang ng boto sa Pagkapangulo at Bise Presidente sa katatapos na eleksyon noong Mayo 9, 2022.

Ang pagbubukas ng NBOC ay pinangunahan nina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco.

Sa nasabing joint session ang kinatawan ng Senado ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Minority Leader Franklin Drilon at  Senators Nancy Binay, Imee Marcos, Grace Poe at  Pia Cayetano habang ang House contingent ay kinabibilangan nina Majority Leader Martin Romualdez, Cavite Rep. Crispin Remulla, Cavite Rep. Abraham Tolentino, Pampanga Rep. Juan Bondoc, Marikina Rep. Stella Quimbo, Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan at AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin.

Sinabi ni Zubiri na sa loob ng 2 araw ay inaasahang matatapos ang canvassing at maidedeklara ang nanalo sa eleksyon. Gail Mendoza