Kamara nakalikom na ng P35M pledge para sa mga biktima ng bagyong Paeng

Kamara nakalikom na ng P35M pledge para sa mga biktima ng bagyong Paeng

October 30, 2022 @ 4:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Agad na nakalikom ang Kamara sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez ng P35 milyong pledge para sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Ayon kay Romualdez ang nasabing pledge ay hanggang alas-12:45 ng tanghali lamang at inaasahan nyang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw.

“I already gained pledges of assistance from fellow House members led by Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, chairman of the House Committee on Appropriations, and the private individuals in connection with the relief drive,” pahayag ni Romualdez.

“During the darkest hours, the House of the People in coordination and partnership with the Marcos administration is always here to assist and help Filipinos in their time of need. We will support all the national government initiatives in pursuing relief and recovery efforts in areas affected by typhoon Paeng,” dagdag pa niya.

Ang relief drive ay inanunsyo ni Romualdez noong Sabado ng gabi sa social media platform ni Romualdez at ilang mambabatas sa pangunguna ng asawa nito na si Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez ang isa sa mga unang tumugon sa panawagan.

Bukod sa cash assistance ay marami din ang nangakong magbibigay ng food packs habang ang mga District Congressman ay abala sa relief mission sa ibat ibang mga distrito nito kabilang na si Iloilo First District Rep Janette Garin na buong araw na nanguna sa pag iikot para tignan ang naging pinsala sa kanyang nasasakupan at para magbigay ng tulong at pagkain.

Si Tingog party-list Rep. Jude Acidre naman ay nag-ikot sa Cotabato, Eastern Visayas.

“Sa tulong ng mga kasama nating mambabatas sa House of Representatives, magsasagawa ang Office of the Speaker ng relief drive at operations para sa mga komunidad na nasalanta ng Bagyong Paeng. Maglalaan tayo ng pondo para simulan ang pagbili ng mga kakailanganing relief goods tulad ng bottled waters, canned goods, bigas at iba pang basic necessities na ipapadala sa mga apektadong komunidad,” pahayag ni Romualdez. Gail Mendoza