Kamara nakidalamhati sa pagpanaw ni FVR

Kamara nakidalamhati sa pagpanaw ni FVR

August 1, 2022 @ 10:27 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nagluluksa ang buong Kamara sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Ramos na tinuturing ng mga mambabatas na isang magaling na lider.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez inspirasyon ng lahat at “tough act to follow” ang ginawa ni Ramos na tumatayo ding chairman emeritus ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

“We all grieve because we lost a great leader and a dear friend. One who is a pillar of strength, and an inspiration to all. He is  great leader who took good governance to heart. His experience as a military general and his innate charm set the blueprint for what Philippine leaders should be: tough when necessary, but with a caring heart for the common Filipino. FVR was a tough act to follow. His legacy will never be forgotten,” pahayag ni Romualdez.

Nagpaabot din ng kanyang pakikiramay si Dasmarinas Rep Elpidio F. Barzaga, Jr.

“We lost a great leader. Coalition-building is the heart of his governance. My deepest condolences and sympathies to the family of former President Fidel V. Ramos”ani Barzaga.

Sinabi ni Rizal 4th District Fidel Nograles na ang pamumuno ni Ramos ay nagbigay daan para magkaroon ng political stability, prosperity at social programs para sa taumbayan.

“His servant leadership was exactly the kind that I aspired to when I joined public service and the political party that he founded, Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD). Our nation is made poorer by his passing,” ani Nograles.

Si Ramos ay naging Pangulo ng bansa noong 1992 hangang 1998, naging matagumpay ang pamumuno nito nang mapanatiling mataas ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng naranasan noon na  Asian financial crisis. Gail Mendoza