Kamara nakikidalamhati sa pagpanaw ni Rep. Cojuangco

Kamara nakikidalamhati sa pagpanaw ni Rep. Cojuangco

February 22, 2022 @ 6:00 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nagluluksa ngayon ang Malaking Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ni incumbent Tarlac 1st District Rep. Carlos “Charlie” Cojuangco.

Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang mga kongresista sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco sa aniya’y hindi inaasahan at maagang pagyao ng kapwa kongresista.

 

“We are deeply saddened to learn of the passing of our dear colleague, The House of Representatives mourns the loss of one of its eminent political party leaders. His untimely demise leaves a void in the Nationalist People’s Coalition and the entire House supermajority coalition,” ani Velasco.

Aniya sa pagpanay ni Cojuanco ay isa na namang lider at aktibong mambabatas ang nabawas sa kanilang hanay.

“We have lost a leader and a friend. May he rest in peace, and may his family find comfort during this difficult time. He will be greatly missed.”

Si Cojuanco ay pumanaw sa edad na 58 na inanunsyo lamang sa publiko ng kaniyang asawa na si China Jocson sa Facebook.

“It is with a heavy heart that we regret to inform you that my husband, Claudia and Jaime’s father, Carlos ‘Charlie’ Cojuangco, has passed away,” batay sa post sa Facebook.
Noong October 2021 ay nagkaroon ng aneurysm ang kongresista sa gitna ng isang car racing accident.

Hindi na idinatalye ng maybahay ng kongresista ang naging sanhi ng pagkamatay ng kongresista maging ang ukol sa pagbuburol dito.
Maging si Pangasinan Rep. Christopher V.P. De Venecia ay nagpa-abot din ng pakikiramay sa aniya’y isang kaibigan.

“I will miss Congressman Carlos “Charlie” Cojuangco who was a staunch supporter of the creatives sector and of sectors immediately impacted by economic growth.

Cong. Charlie and I had our respective bills on creatives so we saw eye-to-eye on what we needed to do.”

Si Cojuanco na anak ng yumaong business tycoon na si Eduardo “Danding” Conjuangco Jr. Ay nagsilbi ring kinatawan ng 4th District ng Negros Occidental naging chairperson ng House committee on flagship programs and projects at vice chairperson ng House Committee on Appropriations. Meliza Maluntag