Kamara nakiramay sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II

Kamara nakiramay sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II

September 9, 2022 @ 10:20 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nakikidalamhati ngayon ang Malaking Kapulungan ng Kongreso sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II.

Sa kaniyang pahayag sinabi ngayong umaga ni House Speaker Martin Romualdez na “I join the Filipino nation in offering our heartfelt and deep sympathies to the Royal Family, the government and the people of Great Britain on the demise of Queen Elizabeth II.We mourn the loss of great world leader who served as an inspiration to many generations of public servants in all parts of the globe.”

Ayon kay Romualdez, hindi malilimot ng buong mundo ang matatag na pamumuno ni Queen Elizabeth II na siyang pinakamatagal na naghari sa monarkiya ng Britanya.

“We will remember her as a gentle, yet solid rock of stability who exhibited grace and decency in performing her duty in times of crisis. Her name will never be forgotten, and her memories as a great monarch will remain etched in our hearts forever,” dagdag pa ng speaker.

Gayundin si Manila Rep. Joel Chua na nagpalabas din ng pahayag ukol sa kaniyang pakikiramay sa pagluluksa ngayong ng buong Yuropa.

Si Queen Elizabeth II ay umupo bilang reyna sa loob ng 70 taon.

Binanggit din ni Chua ang pinakamaikling panahon ng pananakop ng Britanya sa Maynila at Cavite noong 1762 hanggang 1764 subalit ngayon aniya ang Pilipinas ay tumanggap at aabot sa 10,000 British expatriates ang ngayon ay naninirahan sa bansa.

Bukod pa aniya dito ang may 200,000 Overseas Filipinos na nasa UK na kinabibilangan ng narses, doctors, engineers, teachers, at mga seafarers.

Hindi rin aniya malilimot ng Pilipinas na nito lamang July 12 ay kinilala at binigyang parangal ni Queen Elizabeth sa pamamagitan ng pagkakaloob ng George Cross kay May Parsons, ang kauna-unahang Pilipina na nakapagturok ng COVID vaccine, noong July 2020, isang Pinay nurse din na si Charito Romano ang binigyan ng British Empire Medal dahil sa serbisyong ipinagkaloob nito sa panahon ng COVID pandemic sa UK.

Binanggit din ni Chua na noong July 2019 ay isa pang Pilipino ang nabigyan ng British Empire Medal sa katauhan ni Roland Quitevis, isang UK Embassy driver na nagsilbi sa embahada sa loob ng mahigit 33 taon. Meliza Maluntag