Kamara pinarangalan si star weightlifter Hidilyn Diaz

Kamara pinarangalan si star weightlifter Hidilyn Diaz

December 16, 2022 @ 10:58 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinuri ng House of Representatives ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa isang resolusyon na nagpaparangal sa kanyang pinakabagong nasungkit na karangalang mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships sa Gran Carpa Americas Corferias sa Colombia.

Ang House Resolution No. 647 ay pinagtibay sa plenaryo na pumupuri kay Diaz sa pagkapanalo ng tatlong gintong medalya sa women’s category noong Disyembre 7 nang ma-clear niya ang 93-kilogram snatch at 114-kg clean and jerk para sa kabuuang angat na 207 kg.

Ayon sa HR 647, “Ang makasaysayang tagumpay nang pagwawalis ng tatlong gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships ay ang pinakabagong karagdagan sa kahanga-hangang rekord ng atletang Pilipino bilang unang Pilipina na nanalo ng korona sa World Championships.”

Sinabi nito na ang pinakabagong mga tagumpay ni Diaz, kasama ang kanyang gintong medalya sa Southeast Asian Games sa Vietnam, ay “magsisilbing momentum builder para sa Filipina Olympian sa paglulunsad niya ng kanyang bid para sa isa pang gintong medalya sa 59-kilogram na women’s weightlifting event sa 2024 Olympics. .”

Dahil sa panalo ni Diaz, kwalipikado na ito para sa 2024 Paris Olympics.JC