Kamara sa Comelec: Magdaos ng special election sa bakanteng pwesto sa Kabite

Kamara sa Comelec: Magdaos ng special election sa bakanteng pwesto sa Kabite

July 28, 2022 @ 9:56 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan ng House of Representatives ang House Resolution 100 na nag-aatas sa Commission on Elections(Comelec) na magdaos ng special election para punan ang bakanteng pwesto na Congressman sa 7th District.

Sa mosyon ni House majority leader Rep. Manuel Dalipe ay naaprubahan sa plenaryo ang HR 100 o “Resolution certifying the existence of a vacancy in the House of Representatives, particularly the representative for the 7th legislative district of the province of Cavite and calling on the Commission on Elections to fill the vacancy through a special election.”

Ang naturang legislative district ay nabakante matapos italaga ni Pangulong Bongbing Marcos ang nanalong kongresista na si Cavite Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Pansamantala habang wala pang naihahalal sa pwesto ay si House Speaker Martin Romualdez ang syang naitalaga bilang caretaker ng Cavite 7th District. Gail Mendoza