Kamara tuloy ang trabaho kahit bakasyon

Kamara tuloy ang trabaho kahit bakasyon

June 3, 2021 @ 5:59 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy na magsasagawa ng pagdinig ang mga kongresista kahit naka-adjourn ang Kongreso.

Kinumpirma ito ni Majority Floorleader Ferdinand Martin Romualdez kaalinsabay ng sine die adjournment ng 2nd regular session  ng 18th Congress.

“The sine die adjournment will not stop the House from working under the Velasco-led leadership,” binigyang diin ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez, napagkasunduan ito sa meeting ng House Committee on Rules kung saan siya rin ang chairman at sinabing aprubado naman ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mungkahi ng mga kongresista na magsagawa ng mga pagdinig kahit bakasyon.

“We will not be distracted and we will not lose track on shepherding priority legislations that will answer and cater to the needs of the welfare of the people especially in this challenging and difficult time. We must work doubly hard to craft and put into fruition the passage of the priority measures, including bills relative to the fight against the pandemic.”

Sa kaniyang sponsorship speech bago ang adjournment para sa House Resolution (HR) No. 1838 ay sinabi ni Romualdez na s ilalim ng pamumuno ni Velasco ay namayani aniya ang “management with compassion” dahil mas unang tiniyak ang kapakanan ng mga miembro ng Malaking Kapulungan ng Kongreso at mga empleado  laban sa panganib ng coronavirus disease-19 (COVID-19) sa pamamagitan ng pagsasagawa ng  real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) tests kada tatlong buwan at bi-weekly antigen (AG) tests sa mga mambabatas at empleado bago mapayagang makapasok sa Batasan.

Kabilang din sa tiniyak ng liderato ni Velasco ang pagkakaroon ng COVID-19 vaccines sa mga mambabatas , mga empleado maging sa mga  dependents kung saan pinasimulan ang pagbabakuna noong May 5, 2021.6.3

“Speaker Velasco has proven himself an exemplary leader, and vigorously demonstrated unwavering leadership, resiliency, innovativeness, and perseverance. In consideration of these sterling qualities, I, therefore, call upon my esteemed colleagues to support the adoption of this resolution to show Speaker Lord Allan Jay Q. Velasco our great appreciation, recognition, and deep gratitude for his steady, focused, and consultative kind of leadership that constantly pulled us together during this unprecedented time.”

Ang resolusyon ay pangunahing inakda niya at House Minority Leader at ABANG LINGKOD party-list Rep. Joseph Stephen Paduano.  Meliza Maluntag